S W E R T E
( it's "emo" time, tagalized style..Ü )
10.7.09

Swerte mo naman.
Mahal kita. Mahal kita.
Alam mo. Alam nila.
Kahit di ka magpakita.
Kahit di ka magsalita.
Kahit di mo ko siputin.
Kahit di mo ko kausapin.
Paikot-ikot, hilong hilo.
Mahal kita, ang swerte mo.
Lahat ng alam kong tama,
Lahat ng alam kong mali,
Ginawa kong mas tama.
Pinilit kong maging tama.
Alam mo yan. Alam nila yan.
Walang katapusan.
Walang hanggang hintayan.
Swerte mo talaga.
Hindi mo pa hinihingi,
Naibigay ko na.
Hindi ka pa nagtatanong,
Nasagot ko na.
Hindi mo pa sinasabi,
Alam na alam ko na.
Hindi mo pa kailangan,
Inaabot ko na.
Mahal kita. Mahal kita.
Swerte mo naman talaga.
Pwede kang magmahal ng iba.
Di mo kailangang maghintay.
Di mo kailangang sumabay.
Paikot-ikot, hilong hilo.
Alam mong nandito lang naman ako.
Di mo man ako piliin,
Paulit-ulit ko pa ring sasabihin,
Mahal kita. Mahal kita.
Ganun talaga.
Swerte mo pero mas swerte sya.
Walang pilitan,
Walang hintayan.
Makikiikot kahit hilo,
Sya kasi, mahal mo.
Posted by teen 7:14 AM







